Wednesday, February 25, 2009

MASAKIT ANG PAA

Sa isang commercial bank, at about 8:30 AM, gumagayak ang isang babaeng Teller dahil 9 o’clock ang kanilang bukas. Habang nagbibilang siya ng paper bills, napahinto ang dalawa nilang naglilinis na janitor sa harap niya at nag-usap. 

Tomas: Bakit ba umiika ka, Rico? Ano’ng nangyari sa paa mo? May arthritis ka ba? 

Rico: Ewan ko ba. Ang sakit! Hindi ako halos makalakad. 

Tomas: Alam mo, kaya sumasakit iyang paa mo, kasi nahihirapan dahil mataba ka at mabigat ang timbang mo! Tingnan mo na lang ang tiyan mo, ang laki! 

Rico: Ganoon ba? Ano kaya’ng gagawin ko? 

Tomas: Mag-reduce ka. Mag-jogging ka. 

Rico: Pero, papaano ako magdya-jogging e masakit ang paa ko? 

Tomas: Kaya masakit ang paa mo, kasi hindi makaya ang katawan mo. Nahihirapan dahil mataba ka at mabigat ang timbang mo. 

Rico: Ano’ng gagawin ko? 

Tomas: Mag-reduce ka. Mag-jogging ka. 

Rico: Pero, papaano ako magdya-jogging e masakit ang paa ko? 

Tomas: Kaya masakit ang paa mo, nahihirapan nga dahil sa taba mo at bigat ng timbang mo. 

Rico: So, ano’ng gagawin ko? 

Tomas: E, ‘di mag-reduce ka. Mag-jogging ka. 

Rico: E, masakit nga ang paa ko. Papaano ako magdya-jogging? 

Tomas: Alam mo, kaya masakit ang paa mo, dahil hindi makaya ang katawan mo. Nabibigatan sa timbang mo. 

Rico: Ano’ng gagawin ko? 

Tomas: Aba! E, ‘di mag-reduce ka. Mag-jogging ka. 

Rico: Papaano ako makapagdya-jogging e masakit nga ang paa ko? 

Tomas: Kaya masakit ang paa mo, kasi hindi makaya ang katawan mo dahil mataba ka at mabigat ang timbang mo. 

Rico: Ano ang gagawin ko? 

Tomas: E, ‘di mag-reduce ka nga. Mag-jogging ka. 

Rico: Pero… 

Teller: Guard! Guard! Guaaaaaard!!

6 comments:

Anonymous said...

sinabi nang mag reduce at mag jogging...hindi makulit si Rico o baka naman bingi hehehe

Goddy: An Unbreakable Spirit said...

E, masakit nga raw ang paa niya. Papaano magdya-jogging?

(Thanks, John B. M.! I appreciate your dropping by my page!)

ennaer said...

e panu hindi na makaya ng katawan nia dahil mataba at mabigat na ang katawan nia. kaya dapat mgjogging cia

Goddy: An Unbreakable Spirit said...

Ikaw talaga Ennaer! Masakit nga ang paa nung tao e. Papaano siya magdya-jogging?

ennaer said...

e panu hindi sasakit ang paa nia panu ang bigat ng katawan nia, ang taba nia kya dapat mgjogging cia

vincent said...

guard! guard! guaaard! pakihuli nga itong mga nagcomment...

lol!