Wednesday, June 19, 2013

I LEFT MY FB IN SAN FRANCISCO

Just this morning, I met Mang Ben, yung mabait naming Criminal Investigator at kasama ko sa trabaho noon sa U.S. Facility.

Mang Ben:  'Oddy, dumating si Bernie noong May.  Nag-get together kami sa Wimpy's sa Maysaysay.  Bakit hindi ka pumunta?

Goddy:  Sa Wimpy's?  Sa Magsaysay?  Nandun ako a!  Magkatabi tayo sa upuan.

Mang Ben:  A... oo nga pala.

Goddy:  Nagpe-Facebook ka ba?  Tingnan mo sa fb account niya.  Nag-post siya ng mga pictures.

Mang Ben:  Oo naman!  Doon nga ako pinadalhan ng birthday greeting ng mga anak at apo ko.  Pero, hindi ako nakakapag-Facebook ngayon.  Naiwanan ko ang Facebook ko sa America.


Wednesday, August 1, 2012

UTANG NA!


Isang araw, nabulahaw si Cita ng tahol ng kanilang mga aso.  May tao kasing kumakatok sa kanilang steel gate.  Nang buksan ni Cita ang pinto ng kanilang gate, bumulaga sa kaniya si Myra.

Cita: Aba, Myra, napasyal ka!  Halika, tuloy ka.

Myra:  Ate Cita, may kailangan sana ako sa iyo e.  Hindi ba nakakahiya sa iyo?

Cita: Bakit, ano ba iyon?

Myra:  Kailangan ko kasi ng pera.  Puede bang pautangin mo ako?

Cita: Magkano ba ang kailangan mo?

Myra:  Kuwan sana e… puede bang 1.5 million?

Cita:  Anoooo?  Ang laki naman!  Aanhin mo?  Wala ka na yatang balak magpakita pagkatapos.

Myra:  Hindi naman, Ate Cita.  Kailangan ko lang talaga.  Baka kasi ma-foreclose ang bahay namin.  May notice kami ng foreclosure sa bangko.

Cita:  E, one million lang ang pera ko.  Hindi pa dumarating ang perang hinihintay ko from the States.

Myra:  Puede na iyan, Ate Cita.  Saka mo na lang ibigay ang .5 kapag dumating na ang hinihintay mong pera.  Babalikan ko na lang.

At ibinigay ni Cita ang one million pesos kay Myra.  Makalipas ang isang buwan, bumalik si Myra para kunin ang kapupunan ng inutang niya.

Myra:  Ate Cita, kailangan ko na ‘yung .5, mayroon na ba?

Cita:  Naku, sorry, Myra, wala pa e.  Nakakahiya naman sa iyo.

Myra:  E, kailan mo pala ibibigay?

Cita:  Hindi ko alam kung kailan ako magkakaroon.  Hindi ko alam kung kailan darating ang hinihintay kong pera.

Myra:  Teka… gusto mo, pahiramin muna kita ng .5?  At saka mo na lang bayaran kapag dumating na'ng hinihintay mo?

Monday, April 30, 2012

SAAN KA PUPUNTA?

Some few years back, before its reorganization, our department was headed by a very strict man from the Military. Upon his installation as manager, he created at once the Visitor Pass and ID Control (VPIC) section para raw magka-record at control ang mga taong pumapasok at lumalabas ng aming office.

A small desk positioned at the lobby or main entrance of the second floor of the building where our department was housed was provided to whoever would be the personnel assigned on duty and who would be responsible for the issuance of passes to visitors as well as the recording of the names and other infos on the logbook provided.

We were clearly instructed na kahit pa magmistula kaming paranoid ay maging vigilant kami para walang makapasok na undesirable person sa aming office.

A three-seater couch located near the left side of the Info Desk (as the VPIC was often referred to) was provided for guests and visitors who needed to wait.

Mali man, in my honest opinion, na pati ako ay mag-duty sa Info Desk na iyon dahil, being the Department’s Budget Officer, I had a rather specialized function as well as duties and responsibilities na walang ibang gagawa kundi ako, ay pumayag na rin ako.

Minsan, at about 8:15 a.m., as I was preparing for that additional task, may dumating na isang female teenager (perhaps 17 or 18 years of age). She walked past my desk so sinita ko siya.

“Saan ka pupunta?” I asked in an unusually strict fashion.

Sa manager’s office daw.

“Wala pa siya!” sabi ko. “Maupo ka riyan! Hintayin mo!” as I pointed to the couch.

The young lady obliged. 

Since wala pang ibang visitors na dumarating, I started working on our Department’s Budget Proposal which was due for submission on that week. 

Then, after about 20 minutes, the manager arrived. Dire-diretso siyang pumasok and did not even acknowledge my “good morning” greeting.

Nang makaliko na ang manager sa left wing patungong office niya, biglang tumayo ang teenager at basta na lamang pumasok.

“Saan ka na naman pupunta?” may ka-istriktuhan ko na namang tanong.

Pointing her right index finger to the direction where the manager went, she replied 

“E... tatay ko po siya!”

“Haaa!” (para akong nagulat na tulya). “‘Di mo naman sinabi, e!” (This time in a low tone of voice.)

Thursday, April 19, 2012

FUNNY NAMES

When I was transferred to the Investigation Division of the SBMA Security Department, nagkaroon ako ng very close friend sa office. Si Jessica. Maganda siya at masayahin. Para ko siyang nakababatang kapatid.

Minsan, nang sabay kaming umuwi, pagtapat namin sa Subic International Hotel, may isinumbong siya sa akin.

“Kuya, alam mo, pinagtatawanan nina Ate Fe ang pangalan mo,” aniya.

“Bakit? Ano’ng problema nila sa pangalan ko?” usisa ko.

“Sa kanila raw sa Bicol, yun daw pangalan mo, sa sayawan lang daw nila naririnig.”

Gaudencio. Iyan ang tunay na pangalan ko. Alam ko namang hindi pangkaraniwan ang pangalan ko. Pero, bakit kaya?

The following day, upon seeing me in the office, nakangiti kaagad si Fe.

“May I gau den cio?” sabi niya sa akin sabay halakhak. “Ha ha ha ha!” Tapos, pumasok siya sa office ng Division Chief.

“A, yun pala,” sabi ko sa sarili ko.

Tinanong ko naman sa mga kasamahan ko kung ano ang tunay na pangalan ni Fe.

“Eutropia.” Sagot ni Zening.

“Eutropia? Ha ha ha ha! Mayroon bang ganun? Ha ha ha ha!”

Nang lumabas na si Fe sa office ng Division Chief, tumirada na naman.

“May I gau den cio?” sabay tawa uli. “Ha ha ha ha!”

“May I eut you?” sagot ko naman (Eut – short for Eutropia) unmindful of its nasty sound.

At nagtawanan ang mga nakarinig.

Monday, April 16, 2012

A WEIRD EXPERIENCE WHILE TAKING AN EXAM

Last October 19, 1997, I took the Career Service Professional Exam given by the Civil Service Commission in San Fernando, Pampanga. Kailangan ko kasi ito to fully qualify for the position I was considered in.

Bago ako kumuha ng exam, ilang araw nang hindi maganda ang pakiramdam ko. Hindi lang masama ang pakiramdam ko, in fact, para bang sinapian ako ng unclean spirit. Para akong tino-torture mentally. Masakit ang tiyan ko and I had fears.

Despite all these discomforts, however, I continued to take the examination as it had already been scheduled.

The exam venue was an elementary school. Habang nag-e-exam ako, hindi ako makapag-concentrate. Disorganized talaga ako! Ang gulu-gulo ng isip ko. Nakaka-distract ang sakit ng tiyan ko and I was always thinking of the rest room. If I remember it rightly, nag-excuse pa ako to go to the rest room.

Tapos, hindi ko maunawaan yung mga questions. There was one (I forgot if it was in English or in Filipino) that ran like this: Si Pedro ay mataas kay Juan. Si Juan ay mataas kay Ganito. Si Ganito ay mataas kay Ganyan… (I forgot the whole question). Nakaubos yata ako ng almost one hour doon lang sa particular question na iyon, hindi ko pa rin na-get ang thought. So, I finally decided to just leave it. Hindi ko kayang sagutin. Mauubos ang oras e!

Tapos, basta ko na lang narinig na sinabi nung watcher, “Ten more minutes!” E, hindi pa ako nangangalahati. And, believe it or not, wala yata akong sinagutang Math problems dahil parang wala akong capability noong araw na iyon na mag-compute. English lamang at mga general info questions ang sinagutan ko. So, dahil magta-time na (10 minutes na lang daw), nilagyan ko na lang ng shades ang lahat ng boxes for my answers hanggang dulo ng answer sheet.

Then the bell rang. Sumigaw ang watcher, “Pencils up!”

Kasa-submit ko lang ng answer sheet ko nang tanungin ako ng katabi ko.

“Nasagutan mo bang lahat?” aniya.

“Oo, sinagutan ko hanggang item 120,” sabi ko sa kaniya.

“Haaa!” namangha niyang nasabi. “E, 1 to 80 lang ang exam a!”

“Haaa!” sabi ko rin, sabay takbo pabalik sa isa pang watcher kung kangino ko ipinasa ang papel ko.

“Ma’am, puede pong mahiram ang answer sheet ko. May buburahin lang po ako sandali.”

Ibinigay naman sa akin. At totoo nga, 1 to 80 lang ang test! Tapos, isinauli ko na sa watcher ang answer sheet ko.

“Bakit, ano’ng binura mo?” tanong nung watcher.

“Nalagyan ko po ng shades hanggang 120 e 1 to 80 lang po pala ang test.”

Tawa nang tawa yung watcher habang tinitingnan ang answer sheet ko. (Although 1 to 80 ang questions, yung provided separate answer sheet ay 1 to 120 items.)

Of course, dahil hindi naman lahat ng question ay pinag-isipan, hindi ako umaasang naipasa ko iyon. Alam kong most likely ay bagsak ako sa exam.

After a month, coming from Nueva Ecija and going to Olongapo, dumaan ako ng San Fernando to get the result of my exam. Although I was thinking I might have failed in the exam, I prayed that I was able to pass it. The passing grade was 80%.

And, thank God, I got 84.34%!

Friday, May 27, 2011

HINDI BALE NA NGA

Noong late '80s, nakasama namin sa bahay si Marcelyn, isang office worker sa U.S. Navy Public Works Center sa Subic. Siya ay masayahin at madalas mag-share ng mga jokes na naririnig niya sa kanilang opisina.

Maaaring itong joke na ikinuwento niya sa amin ay narinig na ng ibang readers. But for the sake of those who have not heard it yet, I am publishing it in this blog.

Mayroon daw isang babaeng nag-ambisyong magkaasawa ng isang lalaking nag-aangkin ng halos lahat na yata ng magagandang katangian. She was then sixteen--young and fresh. As she faced the mirror, at habang hinahaplus-haplos ang may-kahabaang buhok, nasabi niya sa sarili, "I am young and fresh. Kapag nag-asawa ako, ang pipiliin ko ay iyong mabait, guapo, mayaman, at may kotseng Thunderbird."

(Marcelyn described "Thunderbird" as a luxury automobile. Siguro, pang-status symbol.)

Lumipas daw ang ilang taon, naging twenty years old siya--ngunit wala pa ring boyfriend. She faced the mirror again saying, "'Di bale na ngang hindi mabait, basta't guapo, mayaman, at may kotseng Thunderbird."

Matiyaga siyang naghintay until she reached 25 years old--ngunit walang dumating na Prince Charming. So, humarap na muli sa salamin at kinausap ang sarili, "Naku! 'Di bale na ngang hindi guapo, basta't mayaman at may kotseng Thunderbird."

Kaso, nang thirty na siya, wala pa ring boyfriend, so humarap na muli sa salamin and as she wondered why, she said to herself, "Hindi bale na ngang hindi mayaman, basta may Thunderbird!"

Lumipas muli ang mga taon, treinta y cinco na siya, hindi pa rin nabibili ang beauty niya. So, humarap na muli sa salamin at sinabi sa sarili, "Naku! 'Di bale na ngang walang thunder, basta na nga lang may bird! Basta may bird!"

Saturday, December 4, 2010

BUKING

Minsang nagbukas ako ng aking Facebook account, biglang may nag-pop out na chat box. Somebody wanted to chat with me.

Celso Chito Sunga: Godeng, natatandaan mo pa ba ako?

(The truth is, although familiar ang last name, hindi ko matandaan kung sino siya. But, of course, since ayaw nating maka-offend, kunwari natatandaan ko.)

Goddy: Oo naman! Kumusta ka na?

Celso: Heto, dalawa na’ng anak ko.

Goddy: Nasaan ka ba? (Para malaman ko kung sino siya.)

Celso: Dito ako sa Oman. May trabaho ako rito.

Goddy: A… uma-attend ka ba ng reunion?

Celso: Oo, nakita nga kita roon, e.

(So, certain ako, ka-batch ko.)

Goddy: Saan ka ba nakatira ngayon?

Celso: Sa Valenzuela City. May bahay kami roon.

Goddy: A, ganoon ba?

Celso: Nasa Olongapo ka pa ba?

Goddy: Oo. Dito pa ako sa Gapo. Kamag-anak mo ba si Quito?

Celso: Ako si Quito!

Goddy: Ha! A, hehe… oo nga pala.

(Well, Quito was a good friend of mine in high school Siya kasi, ‘di niya sinabing he already changed Quito to Chito as I have changed Godeng to Goddy.)