Reanne, our office secretary, made this comment when we crossed path somewhere inside the building where we work:
“Kuya, isinama mo pala sa mga jokes mo yung dialog n’yo ni Zening. Star na star sa blog mo si Zening a!”
Siguro, narinig ni Zening ang sinabi ni Reanne so she proceeded to my office and asked me, “Kuya Goddy, inilagay mo nga ba sa blog mo yung dialog natin?”
“A, oo,” sagot ko naman. “Star na star ka nga roon, e!”
“Talaga? Patingin nga! Pabasa naman!”
In-access ko ang blog ko at ipinabasa sa kanya ang aming true-to-life dialog. Tuwang-tuwa siya.
Since naka-open yung account ko sa isang social networking site, binasa na rin niya. When she came across the word “poignant”, she asked me, “Ano’ng ibig sabihin nito? Paano ba i-pronounce ito?”
“A, iyan ba? Poignant. Ibig sabihin niyan, touching… nakakaantig ng damdamin. Moving… ganun.”
“Ano nga uli ang basa riyan?”
“Punta tayo sa gabbydictionary.com Sabi rito, ang pronounce diyan ay poyn’ yent. Just read it as though you’re reading a Tagalog word: poyn’ yent.”
“Poyn’ yent. Poyn’ yent.” Inulit-ulit niya.
Dahil itutuloy ko na’ng nahinto kong ginagawa sa computer pero nakaupo siya sa upuan ko, I told her, “O sige na, poyn’ yent ka!”
She looked at me and said, “Minumura mo na yata ako, e!”
“Hindi! ‘Di ba ibig sabihin nun ay moving? Pinapa-move kita!”
“A, ganun ba? O sige, poyn’ yent ka rin!” Sabay tawa. “Hahahaha!”
2 comments:
Ano ba yan! Nagmurahan na! Hehehehehe!
Nice to see you back Goddy!
haha so funny! in fairness extra ako! nagiisa ka talaga ate zening!
Post a Comment