I attended mass yesterday (Sunday) at St. Columban Church. In his homily, nag-inject ng humor ang pari. Sabi niya, mayroon daw isang lalaking umakyat ng ligaw. Sabi raw nung lalaki sa nililigawan niya:
“O ano, tayong dalawa na ba?”
Tumingin daw sa relos niya yung babae at sumagot ng, “Hindi pa, Betty La Fea pa lang.”
(Ang nasa isip pala nung babae ay yung mga programa ng ABS-CBN sa TV, yung “Tayong Dalawa” na sumusunod sa “Betty La Fea”.)
* * * * * * *
Last Thursday naman, I attended the Christian Life Program of the Couples For Christ sa San Roque Chapel (Subic Chapel). Ang galing ng speaker! Ang daming in-inject na humor! Pero, konti lang ang natandaan ko.
Sabi niya sa isang relevant story niya, “Kita mo nga, dati-rati’y nagtitinda lang ng banana cue ang taong yun. Ngayon, may anak na siya sa Ateneo at sa La Salle.”
Tanong daw nung kausap, “Talaga? Anong course ang kinukuha nila?”
His reply raw ay, “Hindi, hindi sila nag-aaral! Sa Ateneo at sa La Salle nagtitinda ng banana cue yung dalawang anak niya!”
* * * * * * *
Sabi pa rin nung speaker, minsan daw, sa Maynila, may lumapit sa kanyang prostitute. Niyayaya raw siya. Sabi raw, “P500 lang!”
Sumagot daw siya, “Hindi mo ba alam na Couples for Christ ako?”
Sabi raw nung prostitute, “A, ganoon ba? O sige, P250 na lang!”
(Ano yun, may discount?)
* * * * * * *
Then as the speaker quoted some passages from the Gospel, sabi niya, “When I was naked, you clothed me; when I was in prison, you visited me…”
But he was quick to remind the participants, “Huwag n’yong pagpapalitin ha! Baka sabihin n’yo, ‘When I was naked, you visited me!”
4 comments:
hahaha! oo nga naman, disgrasya yun kapag binaligtad :)
Thanks, Roy, for dropping by! Kapag na-recall ko yung ibang kuwento ng speaker, ihahabol ko rito.
For Roy and Joel: Sa latest post ko, actually, yung isa pari; yung isa, maybe a layman who's a member of Couples for Christ. I believe they're both good and morally upright individuals. It's just that speaking in front of quite a big crowd necessitates injecting some humor to make people more attentive. Else, they'll be bored to death. I still got some jokes which I can't publish kasi "unprintable". That is, profane and green. In many localities, we see slogans like "MAKE THIS CITY CLEAN AND GREEN". But in my blog, it's impossible to make it green and at the same time clean. Thanks for your "patronage". I like to laugh with you. Hahaha!
Hahahaha! As always you never fail to make me laugh!
Have an award for you at my site!
Post a Comment