Thursday, March 12, 2009

GOOD MORNING, CLASS!

Noong second year high school ako, may ikinuwento sa akin ang kababata kong si Ine. She said that before their Pilipino class started, and while everyone was standing, bumati raw ang teacher sa klase nila, “Good morning, class!” 

Wala raw sumagot kahit isa sa mga estudyante. 

Nagtaka raw ang teacher so inulit daw ang pagbati niya, “Good morning, class!” 

Naglakas-loob daw na sumagot ang isang classmate niyang lalake. 

“Ma’am, good afternoon na po. Hapon na po kasi.” 

Pinanlisikan daw ng mata ng teacher ang classmate niyang iyon sabay sabing, “E, bakit ba marunong ka pa sa akin? Sa gusto ko nang good morning!” 

Tapos, inulit daw ng mas malakas pa kaysa dati ang pagbati niya. “GOOD MORNING, CLASS!” 

Sumagot din daw ng malakas ang buong klase, “GOOD MORNING, MISS CALAYCAY!” (E, hapon!)

(NOTE: This one's true-to-life experience of my childhood friend. The name of the teacher was changed to protect not the teacher but my childhood friend. Hehehe!)

2 comments:

Ron Centeno said...

Ano ba yan! Hehehehe!

Goddy: An Unbreakable Spirit said...

Hi Ron! I have an entry in "A Friend Named Goddy" titled NO, THE BOSS IS NOT ALWAYS RIGHT! Maybe puede nating i-connect doon ang true-to-life experience ng childhood friend ko. Since teachers are personalities exercising power and authority in school, para na rin silang bosses. Kita mo naman diyan sa story yung sinasabing "the arrogance of power". Kahit mali, tama sa kanila! At ang sa kanila ang nakapangyayari thus making their exercise of power and authority a big farce. People like that teacher should be out of the service. So, what shall we do? Pagtawanan sila!