Sa isang commercial bank, at about 8:30 AM, gumagayak ang isang babaeng Teller dahil 9 o’clock ang kanilang bukas. Habang nagbibilang siya ng paper bills, napahinto ang dalawa nilang naglilinis na janitor sa harap niya at nag-usap.
Tomas: Bakit ba umiika ka, Rico? Ano’ng nangyari sa paa mo? May arthritis ka ba?
Rico: Ewan ko ba. Ang sakit! Hindi ako halos makalakad.
Tomas: Alam mo, kaya sumasakit iyang paa mo, kasi nahihirapan dahil mataba ka at mabigat ang timbang mo! Tingnan mo na lang ang tiyan mo, ang laki!
Rico: Ganoon ba? Ano kaya’ng gagawin ko?
Tomas: Mag-reduce ka. Mag-jogging ka.
Rico: Pero, papaano ako magdya-jogging e masakit ang paa ko?
Tomas: Kaya masakit ang paa mo, kasi hindi makaya ang katawan mo. Nahihirapan dahil mataba ka at mabigat ang timbang mo.
Rico: Ano’ng gagawin ko?
Tomas: Mag-reduce ka. Mag-jogging ka.
Rico: Pero, papaano ako magdya-jogging e masakit ang paa ko?
Tomas: Kaya masakit ang paa mo, nahihirapan nga dahil sa taba mo at bigat ng timbang mo.
Rico: So, ano’ng gagawin ko?
Tomas: E, ‘di mag-reduce ka. Mag-jogging ka.
Rico: E, masakit nga ang paa ko. Papaano ako magdya-jogging?
Tomas: Alam mo, kaya masakit ang paa mo, dahil hindi makaya ang katawan mo. Nabibigatan sa timbang mo.
Rico: Ano’ng gagawin ko?
Tomas: Aba! E, ‘di mag-reduce ka. Mag-jogging ka.
Rico: Papaano ako makapagdya-jogging e masakit nga ang paa ko?
Tomas: Kaya masakit ang paa mo, kasi hindi makaya ang katawan mo dahil mataba ka at mabigat ang timbang mo.
Rico: Ano ang gagawin ko?
Tomas: E, ‘di mag-reduce ka nga. Mag-jogging ka.
Rico: Pero…
Teller: Guard! Guard! Guaaaaaard!!