Wednesday, August 1, 2012

UTANG NA!

Isang araw, nabulahaw si Cita ng tahol ng kanilang mga aso.  May tao kasing kumakatok sa kanilang steel gate.  Nang buksan ni Cita ang pinto ng kanilang gate, bumulaga sa kaniya si Myra.

Cita: Aba, Myra, napasyal ka!  Halika, tuloy ka.

Myra:  Ate Cita, may kailangan sana ako sa iyo e.  Hindi ba nakakahiya sa iyo?

Cita: Bakit, ano ba iyon?

Myra:  Kailangan ko kasi ng pera.  Puede bang pautangin mo ako?

Cita: Magkano ba ang kailangan mo?

Myra:  Kuwan sana e… puede bang 1.5 million?

Cita:  Anoooo?  Ang laki naman!  Aanhin mo?  Wala ka na yatang balak magpakita pagkatapos.

Myra:  Hindi naman, Ate Cita.  Kailangan ko lang talaga.  Baka kasi ma-foreclose ang bahay namin.  May notice kami ng foreclosure sa bangko.

Cita:  E, one million lang ang pera ko.  Hindi pa dumarating ang perang hinihintay ko from the States.

Myra:  Puede na iyan, Ate Cita.  Saka mo na lang ibigay ang .5 kapag dumating na ang hinihintay mong pera.  Babalikan ko na lang.

At ibinigay ni Cita ang one million pesos kay Myra.  Makalipas ang isang buwan, bumalik si Myra para kunin ang kapupunan ng inutang niya.

Myra:  Ate Cita, kailangan ko na ‘yung .5, mayroon na ba?

Cita:  Naku, sorry, Myra, wala pa e.  Nakakahiya naman sa iyo.

Myra:  E, kailan mo pala ibibigay?

Cita:  Hindi ko alam kung kailan ako magkakaroon.  Hindi ko alam kung kailan darating ang hinihintay kong pera.

Myra:  Teka… gusto mo, pahiramin muna kita ng .5?  At saka mo na lang bayaran kapag dumating na'ng hinihintay mo?

Sunday, September 6, 2009

BLOG POST FEEDBACK

I came across someone I personally know who happened to read this blog. We had a conversation and the following was what we talked about: 

Reader: Nabasa ko’ng blog post mo inviting readers to visit and read your new blog. Sabi mo roon, you needed feedback… na kung offensive sa iba ang jokes mo, to just let you know so you can remove that entry. Tama ba? 

Goddy: Oo. Bakit? 

Reader: I made a comment para may feedback ka. Kasi, tila offensive yung joke mo. Bakit hindi mo pa inaalis hanggang ngayon? 

Goddy: No, inalis ko na! 

Reader: Alin, yung blog entry? 

Goddy: Hindi… yung comment mo! Kasi, offensive.

Saturday, April 11, 2009

AKO RIN

May kakatwang ugali ang janitress nina Mr. Javier na si Terri. Bukod sa sumasabad sa usapan ng iba, may pagka-inggitera pa.

Minsan, habang nagma-mop ng floor si Terri at nag-uusap sina Mr. Javier at ang Admin Clerk nilang si Whitie, lumapit kay Mr. Javier ang Secretary.

Secretary: Sir, kain muna ako. Nagugutom ako.

Terri: (Sumabad) Ay! Ako rin… gusto ko ring kumain! Nagugutom din ako!

Secretary: Sir, nasaan na yung inaanak n’yo na madalas magpunta rito? Hindi ko na yata nakikita!

Mr. Javier: A, yung inaanak ko ba? Binigyan ko ng puhunan. Pinagtinda ko na lang ng sibuyas para hindi na laging nagpupunta rito at nanghihingi ng pera.

Terri: (Sumabad uli) Ay! Ako rin… gusto ko ring magtinda ng sibuyas! Magtitinda rin ako ng sibuyas!

(Tapos, hinimas-himas ng Secretary ang buhok niya at iyo’y napuna ni Mr. Javier.)

Mr. Javier: Aba… tila bago’ng style ng buhok mo ngayon a! Para kang commercial model ng shampoo!

Secretary: Of course naman, sir! Nagpa-rebond kasi ako. Maganda ba?

Terri: (Sumabad na naman) Ay! Ako rin, gusto ko ring magpa-rebond! Magpapa-rebond din ako!

Whitie: (Talking to herself: “Nakuuuu! Eto na naman itong sabaderang ito. Sabadera na, inggitera pa! Teka nga!”) Haaaaay! Gusto ko nang mamatay!

Terri: Ay! Ako rin… gusto ko rin... (natigilan) mamatay ka na!

(‘KALA NI WHITIE MAIISAHAN NIYA SI INGGI TERRI)

Monday, March 30, 2009

HUMOR SA LOOB NG SIMBAHAN

I attended mass yesterday (Sunday) at St. Columban Church. In his homily, nag-inject ng humor ang pari. Sabi niya, mayroon daw isang lalaking umakyat ng ligaw. Sabi raw nung lalaki sa nililigawan niya: 

“O ano, tayong dalawa na ba?” 

Tumingin daw sa relos niya yung babae at sumagot ng, “Hindi pa, Betty La Fea pa lang.” 

(Ang nasa isip pala nung babae ay yung mga programa ng ABS-CBN sa TV, yung Tayong Dalawa” na sumusunod sa “Betty La Fea”.) 

* * * * * * * 

Last Thursday naman, I attended the Christian Life Program of the Couples For Christ sa San Roque Chapel (Subic Chapel). Ang galing ng speaker! Ang daming in-inject na humor! Pero, konti lang ang natandaan ko. 

Sabi niya sa isang relevant story niya, “Kita mo nga, dati-rati’y nagtitinda lang ng banana cue ang taong yun. Ngayon, may anak na siya sa Ateneo at sa La Salle.” 

Tanong daw nung kausap, “Talaga? Anong course ang kinukuha nila?” 

His reply raw ay, “Hindi, hindi sila nag-aaral! Sa Ateneo at sa La Salle nagtitinda ng banana cue yung dalawang anak niya!” 

* * * * * * * 

Sabi pa rin nung speaker, minsan daw, sa Maynila, may lumapit sa kanyang prostitute. Niyayaya raw siya. Sabi raw, “P500 lang!” 

Sumagot daw siya, “Hindi mo ba alam na Couples for Christ ako?” 

Sabi raw nung prostitute, “A, ganoon ba? O sige, P250 na lang!”

(Ano yun, may discount?)


* * * * * * * 

Then as the speaker quoted some passages from the Gospel, sabi niya, “When I was naked, you clothed me; when I was in prison, you visited me…” 

But he was quick to remind the participants, “Huwag n’yong pagpapalitin ha! Baka sabihin n’yo, ‘When I was naked, you visited me!”

Thursday, March 19, 2009

KUWENTONG BABOY

(The following is not my original joke. Narinig ko lang noong ako’y bata pa at hindi pa tinutubuan ng buhok sa kilikili.) 

Mayroon daw mag-asawang baboy. Nagsilang ng labindalawang (12) biik si Mommy Pig—labing-isang (11) pure white ang balat at isang (1) batik-batik ang balat. 

Kapuna-puna ang pagdi-discriminate ni Daddy Pig kay Batik-Batik. Mas magiliw ito sa mga pure white na biik kaysa kay Batik-Batik. 

Habang lumalaki ang mga biik, lalong lumalayo ang loob ni Daddy Pig kay Batik-Batik. Hanggang isang araw, inabutan ni Mommy Pig na minamaltrato ni Daddy Pig si Batik-Batik. 

Daddy Pig (kay Batik-Batik): Lumayas ka! Hindi kita anak! 

Mommy Pig: Huwag! Huwag mong palayasin ang iyong anak! 

Daddy Pig: Hindi! Hindi ko siya anak! 

Mommy Pig: Anak mo siya! Huhuhu! 

Daddy Pig: Kung anak ko siya, bakit batik-batik ang balat niya at hindi tulad nung labing-isa na pure white? 

Mommy Pig: Anak mo siya! Tunay mo siyang anak! Huhuhu! Yung labing-isang iyon ang hindi mo anak!

Thursday, March 12, 2009

GOOD MORNING, CLASS!

Noong second year high school ako, may ikinuwento sa akin ang kababata kong si Ine. She said that before their Pilipino class started, and while everyone was standing, bumati raw ang teacher sa klase nila, “Good morning, class!” 

Wala raw sumagot kahit isa sa mga estudyante. 

Nagtaka raw ang teacher so inulit daw ang pagbati niya, “Good morning, class!” 

Naglakas-loob daw na sumagot ang isang classmate niyang lalake. 

“Ma’am, good afternoon na po. Hapon na po kasi.” 

Pinanlisikan daw ng mata ng teacher ang classmate niyang iyon sabay sabing, “E, bakit ba marunong ka pa sa akin? Sa gusto ko nang good morning!” 

Tapos, inulit daw ng mas malakas pa kaysa dati ang pagbati niya. “GOOD MORNING, CLASS!” 

Sumagot din daw ng malakas ang buong klase, “GOOD MORNING, MISS CALAYCAY!” (E, hapon!)

(NOTE: This one's true-to-life experience of my childhood friend. The name of the teacher was changed to protect not the teacher but my childhood friend. Hehehe!)

Friday, March 6, 2009

A POIGNANT STORY

Reanne, our office secretary, made this comment when we crossed path somewhere inside the building where we work: 

“Kuya, isinama mo pala sa mga jokes mo yung dialog n’yo ni Zening. Star na star sa blog mo si Zening a!” 

Siguro, narinig ni Zening ang sinabi ni Reanne so she proceeded to my office and asked me, “Kuya Goddy, inilagay mo nga ba sa blog mo yung dialog natin?” 

“A, oo,” sagot ko naman. “Star na star ka nga roon, e!” 

“Talaga? Patingin nga! Pabasa naman!” 

In-access ko ang blog ko at ipinabasa sa kanya ang aming true-to-life dialog. Tuwang-tuwa siya. 

Since naka-open yung account ko sa isang social networking site, binasa na rin niya. When she came across the word “poignant”, she asked me, “Ano’ng ibig sabihin nito? Paano ba i-pronounce ito?” 

“A, iyan ba? Poignant. Ibig sabihin niyan, touching… nakakaantig ng damdamin. Moving… ganun.” 

“Ano nga uli ang basa riyan?” “Punta tayo sa gabbydictionary.com Sabi rito, ang pronounce diyan ay poyn’ yent. Just read it as though you’re reading a Tagalog word: poyn’ yent.” 

“Poyn’ yent. Poyn’ yent.” Inulit-ulit niya. 

Dahil itutuloy ko na’ng nahinto kong ginagawa sa computer pero nakaupo siya sa upuan ko, I told her, “O sige na, poyn’ yent ka!” 

She looked at me and said, “Minumura mo na yata ako, e!” 

“Hindi! ‘Di ba ibig sabihin nun ay moving? Pinapa-move kita!” 

“A, ganun ba? O sige, poyn’ yent ka rin!” Sabay tawa. “Hahahaha!”